There's always something for you
There's always something for you
Cart 0
G: Kuwentong Malayo sa Katotohanan
G: Kuwentong Malayo sa Katotohanan

G: Kuwentong Malayo sa Katotohanan

Regular price ₱150.00 ₱0.00 Unit price per
G: Kuwentong Malayo sa Katotohanan by TPC
192 pages, SRP 150
ISBN  978-621-414-238-5

“Hindi ako mapagpatol sa mga usapang lasing dati. Pero nasanay na ako. Tuwing Lunes o Martes ba naman ng gabi o madaling-araw, o depende sa trip ng babangka, may kuwentuhang lasing na naka-delayed telecast. Mukhang nasanay na sa usapang lasing (sa kapangyarihan) ang bansang ito. Kaya heto. G. Usapang lasing on steroids. Puro “Oo nga, ’no!” ang mabubulalas mo habang nagbabasa. Parang kuwentuhan (malayo sa katotohanan) na binabangkaan ng tito mong umaapaw sa wisdom pero hindi naa-appreciate ng lahi ninyo dahil eccentric at laging lasing. ’Tapos ikaw lang ang makikinig. Ikaw lang ang interesado. And before you know it, magkainuman na kayo. Masaya. Limot na pansamantala ang problema. Ganito ang epekto. Kaya tara, tagay, basa. G? G!”

Joselito D. De Los Reyes
Kolumnista, Rappler and Abante
Propesor ng Malikhaing Pagsulat
Unibersidad ng Santo Tomas


“Masinsinan kang kakausapin ng bagong nobelang ito ni TPC. At matapos ang huling pahina ay kakausapin mo ang sarili mo bilang isandamakmak na katanungan ang aanihin mo sa aklat na ito na walang makapagbibigay ng kasagutan kundi ang sarili mong - dilat, nag-iisip, at nakikiramdam.”

Juan Bautista
(Kuwentista)