There's always something for you
There's always something for you
Cart 0
Sanctum - Ausländer: Mga Danas sa Alemanya
Sanctum Press

Sanctum - Ausländer: Mga Danas sa Alemanya

Regular price ₱250.00 ₱0.00 Unit price per
Title: Ausländer: Mga Danas sa Alemanya
Author: Al Joseph Lumen
Price: P250
Book Size: 5" x 8"
Paper: Book Paper (White)
Cover: Matte lamination
Inclusions: Bookmark
No of pages: 144pages
Pre-order Period: July 24, 2023 to August 21, 2023

“Ang paglayo ay kadalasang paraan din ng paglapit. Ang pangingibang-bansa ni Aljo ay metaporikal na lagusan upang sunsunin ang kaluluwa ng sariling bansa. Salamin ang Alemanya upang ipakita ang repleksiyon ng sariling bansa na patuloy na naghihikahos at pasan-pasan ang maraming isyung panlipunan buhat pa nang bisitahin ito ng kapwa Filipino at mga bayani. ”

– Allan Paul F. Catena
Guro mula Occidental Mindoro

“Dakilang pangahas si Aljo sapagkat tila binali niya ang kumbensiyong itinakda noong 1973 ni Karl Dedecius, ang Übersetzung und Gesellschaft, na pawa bang mga Aleman lamang ang may kakayanang magsalin at isalin ang Erfahrung (danas) at hindi ang isang Ausländer. Marapat lamang basahin itong munting handog ni Lumen sa Panitikang Filipino at destiyero.”

– Rene Boy E. Abiva
Makata, Manunulat, at Instruktor sa Manuel V. Gallego Foundation Colleges

“Tila idinuduyan ako nang marahan. Walang katiyakan ng simula at pagtatapos ng nakakaakit na puwersa, tuloy-tuloy lang na parang isang tagpo ng pakikinig sa isang set ng playlist ng mga kantang naka-random mode. Ganito ang pakiramdam ko bilang ‘Ausländer’ sa trabahong unawain, danasin, at mamangha sa isang mahaba-habang sanaysay ng karanasan ng isang migrante sa kabilang dako—malayo-layong bahagi ng mundo na sa totoo lang ay naririto rin naman talaga, kasama natin sa paghihirap, nakikitawa, nakikinig, kinakausap natin at minsang nagtatanong sa atin ng mahahalagang tanong gaya ng, “Sa anong wika ba nakasulat ang karapatan nating mga Pilipino?” Sa tanong na gaya nito ako magigising at waring paghinto ng ugoy ng duyan ang pagtatantong naubos ko na pala ang mga pahina.”

– Wilmor Pacay III
Former Editor, squeeze.ph
Instructor, School of Arts & Sciences, Treston International College


Share this Product